Grupo ng Lakas ng Kaibigan, Dinumog ng Supporters sa Pasay
Talagang hindi na mapipigilan pa ang pagiging sikat nina businessman at President Lakas ng Kaibigan DING SANTOS, Pasay City mayoralty candidate at PAGCOR President RAFAEL “Butch” FRANCISCO, aspiring congressman ng lungsod sa 2010 election sa ilalim ng Partidong Lakas-CMD.
Sa ginanap na get-together cum miting sa headquarter ng grupo ay hindi mahulugang karayom ang mga supporters na dumalo upang iparamdam sa grupo ng Lakas ng Kaibigan na hanggang sa Mayo ay sasamahan nila ito upang ipaglaban ang tunay na pagbabago sa lungsod.
Ikinatuwa din ng mga supporters ng Lakas ng Kaibigan ang sorpresang pagdalo sa nasabing okasyon bilang suporta sa magandang layunin ng grupo ni PAGCOR Chairman Efrain “Kuya Efren” Genuino.
Kinapulutan din ng aral ng lahat ang madamdaming mensahe ni “Kuya Efren” na pananatilihin ng grupo ang dignidad bilang public servant dahil sila ang nagsisilbing huwaran at inspirasyon ng kanilang mga nasasakupan o constituents.
Sa pagiging public servant din ay hindi uso ang day-off dahil expected lagi ng mga constituents ang iyong serbisyo 7 days a week, sabi nga’y rain or shine man.
Ayon sa mga supporters na nakapanayam ng People’s Brigada News, matagal na panahon na silang naghintay sa mga pagbabagong magaganap, kaya naman 100% ang kanilang support na ibibigay kina SANTOS at FRANCISCO na walang ibang hangad kundi ang ikauunlad ng mga Pasayeños.
Nais ipabatid ng grupo nina SANTOS at FRANCISCO sa mga Pasayeños na hindi sila tutulad sa mga pulitikong puro pangako lamang nguni’t sa oras na mahalal na ay hindi naalalang dalawin ang mga taong nagluklok sa kanila sa puwesto, partikular na ang mga naninirahan sa mga depressed area.
Ang pagpapaunlad ng lungsod ang pangunahing hangarin ng grupo, isa na rito ang makilala ang Pasay City bilang isa sa mga tourist spots sa Pilipinas na dinudumog ng mga turista lalo na’t narito na lahat sa lungsod ng ito ang posibleng mangyari sakaling ma-develop ang mga ito.
Sadyang kahanga-hanga ang pananaw sa buhay ng grupo ng Lakas ng Kaibigan na hindi lamang sariling kapakanan ang iniisip kundi ang ikauunlad sa buhay ng kanilang kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tapat na serbisyo sa mamamayan ng lungsod.
Ang ilan lamang sa mga serbisyong nais ihandog ng grupo nina Santos at Francisco ay ang pagbibigay ng libreng livelihood training programa sa mga ginang ng tahanan na magiging malaking tulong upang makadag-dagkita ng pamilya, bukod pa sa scholarship grant na ipamamahagi sa mga kabataang kapuspalad upang matupad ang pangarap ng mga ito.
Nais ding iparating ng grupong kaibigan sa mamayan ng Pasay na ang perang ibinigay ng PAGCOR para sa pamahalaang Pasay ay ilalaan sa serbisyong medical para sa lungsod sa pamamagitan ng pagkakaroon ng latest medical equipment sa Ospital ng Pasay at paglalagay ng pondo sa isang botika o parmasya para sa libreng gamot na kakailanganin ng mga kababayang kapuspalad.
Isa rin sa mga pangarap na nais matupad nina SANTOS at FRANCISCO para sa mga Pasayeños at ang pagbibigay trabaho o pangkabuhayan sa mga ito upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Kaya naman sa sanib-puwersang SANTOS-FRANCISCO kasama ng kanilang mga aspiring councilors na sina Dr. Risa De Leon, Atty. Elmer ‘Junjun’ Mitra, Bimboo Lim at Dr. Tonton Cabrido ay makakaasa ang mga Pasayeños na ang matagal na nilang minitihing pagbabago ay magkakaroon na ng katuparan.


