Pag-asa ng Pasayeños, Dumating Na!
SOBRANG tuwa ang nararamdaman ng Pasayeños sa pagdating ng itinuturing nilang “pag-asa” sa katauhan ng grupo ng Lakas ng Kaibigan sa pangunguna nina mayoralty candidate Ding Santos at aspiring congressman Rafael “Butch” Francisco.
Sa bawat barangay na kanilang pinupuntahan bilang pagpapaunlak sa mga imbitasyon ng mga residente ay tuwa at pag-asa ang kanilang dala sa mga kapuspalad nilang kababayan lalo na sa mga kabataan.
Sadyang malapit ang puso nina Santos at Francisco sa mga kabataan kaya naman ang pagiging “drug-free” city ng Pasay ay isa sa nais nilang mangyari sa kanilang panunungkulan sa 2010.
Sa panahong ito na nagkalat ang masasamang impluwensiya sa kapaligiran ay isa sa nais pagtuunan ng panahon ng grupo ay ang pagpapatayo ng basketball courts at pag sponsor ng sports events na malaking tulong upang makaiwas ang mga kabataan na malulong sa masamang bisyo o droga.
Ayon kina Santos at Francisco, “Bilang magulang ay nais nating makita ang ating anak na successful kaya ang pag-guide sa kanila sa tamang landas ang pinakamagandang naipapamana sa kanila”.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mga panahong ang Pasay City ay tinaguriang “sin city” dahil na rin sa dami ng mga illegal na negosyo sa lungsod, kaya naman layunin ng grupo ng Lakas ng Kaibigan na burahin ang taguring iyon upang lumaki ang ating mga anak at susunod pang henerasyon sa maipagmamalaking lungsod.
Bukod sa mga nabanggit na serbisyong kanilang ipagkakaloob sa kanilang mga kababayan, nais din nina Santos na ma-enjoy ng mga senior citizens ang kanilang pamumuhay sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng hospitalization, libreng panonood ng sine, medical missions at feeding programs sa iba’t-ibang barangay at school supplies sa mga day care centers bukod pa sa pamimigay ng libreng wheelchair sa mga may kapansanan bata man o matanda.
Ikinatuwa din ng mga magulang ang libreng bakuna sa mahigit na apat na libong batang may edad apat hanggang anim na taong gulang na ipinagkaloob ni aspiring congressman Butch Francisco kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang Mayo na ginanap sa Pasay City Sports Complex.
Syon din ng grupo ng Lakas ng Kaibigan na makaiwas ang kanilang ma constituents sa H1N1 virus kaya pinayuhan nila ang mga itong maging malinis sa kanilang katawan at kapaligiran at kumain ng mga masusustansyang pagkain upang nakaiwas sa naturang sakit.
Kaya naman umaasa ang mga Pasayeño na ang pagkakaroon ng isang Ding Santos bilang Mayor at Butch Francisco as Congressman ay magkakaroon na ng tunay na pagbabago sa lungsod at pamumuhay ng mga residente nito.
Sobrang tuwa ang nararamdaman ng Pasayeños sa pagdating ng itinuturing nilang “pag-asa” sa katauhan ng grupo ng Lakas ng Kaibigan sa pangunguna nina mayoralty candidate Ding Santos at aspiring congressman Rafael “Butch” Francisco.
Sa bawat barangay na kanilang pinupuntahan bilang pagpapaunlak sa mga imbitasyon ng mga residente ay tuwa at pag-asa ang kanilang dala sa mga kapuspalad nilang kababayan lalo na sa mga kabataan.


