Pagkakaisa sa Pasay, Nakamit Na

Sa lakas ng dating ng grupon nina businessman, at president Lakas ng Kaibigan Ding Santos mayoralty candidate at PAGCOR president Rafael “Butch” Francisco, aspiring congressman 2010 kapwa miyembro ng Lakas-CMD party, nagkaroon ng pagkakaisa sa lungsod ng Pasay nang malaman ng mga Pasayeños kung ano ang tunay na motibo ng mga una para sa nasabing lungsod.


Ito ay matapos imbitahan ng mga residente sina Santos at Francisco sa isang pulong-balitaan ay dinumog ang mga ito ng mga residente pati na ng mga kalapit na barangay para ipahayag ang kanilang mga suliranin na kailanman ay hindi nasolusyunan.

Ayon naman kay Santos, wala silang ibang hangad ipaabot sa mga taga-Pasay kundi ang maibigay ang karapat-dapat na serbisyo at matamasa ang kaginhawahaan lalo na ang mga taxpayers ay maibalik sa kanila ang kanilang ibinabayad na buwis sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na serbisyo, paunlarin ang ekonomiya at pag-develop rito.

Ganun din si Francisco, nanlulumo ito sa kanyang nakikita na halos 70% sa mamamayan ng Pasay ay lugmok sa kahirapan at walang trabaho, kaya naman sinisikap nito kasama si Santos na ma-develop ang naturang siyudad nang sa gayon ay nagkaroon ng trabaho ang mga walang trabaho.

Dahil dito, nanawagan ang grupo nina Santos at Francisco sa lahat ng mga botante ng Pasay na lumabas at magpa-rehistro at bumoto para tuluyang malsakatuparan ang kaginhawahan na nais nilang makamtan.

Kaugnay nito, natuwa ang kampo nina Santos sa pag-apruba ng Poll Automation dahil tiyak na ang kanilang panalo at wala ng puwang ang mga mandaraya at hindi na nila magawa pang mandaya, kaya naman nakiusap sila sa mga botante na lumabas at magpa-rehistro at bumoto.

Naikiisa naman rito ang mga residente kung saan personal nilang nilapitan sina Santos at Francisco upang ipakita na nakikiayon sila sa panawagan ng mga ito at handang tumulong para sa tuluyang pagbabago hindi lamang basta pagbabago.

Kasama rin sina Dr. Riza de Leon; Dr. TonTon Cabredo; at Atty. Elmer “Junjun” Mitra, Jr., kapwa katiket nina Santos at Francisco bilang mga konsehal.

Recent Entries

Leave a Reply